![]()
Inaasahang lilipad patungong Shenzhen, China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting.
Dadalo ang pangulo sa high level dialogues kasama ang mga lider ng APEC 21 member economies.
Nakatakda rin ang bilateral meetings ng Pangulo sa Chile, Peru at Papua New Guinea.
Hindi pa naman tiyak kung magkakaroon ng oportunidad na makapag-usap sina PBBM at Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz, mahalaga sa APEC ang political issues na nakaaapekto sa ekonomiya.
