dzme1530.ph

MGA BIYAHERO MULA SA MAHABANG BAKASYON, NAGSIMULA NANG DUMAGSA SA PITX AT ILANG BUS TERMINAL

Loading

Maagang dumagsa ang mga biyahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX at sa mga bus terminal, ngayong huling araw ng special non-working days bunsod ng 49th ASEAN Summit.

Inaasahang mas darami pa ang mga pasaherong darating sa PITX at ilan pang bus terminals hanggang mamayang hapon at gabi.

Sa Victory Liner Terminal sa Pasay City, kontrolado ang passenger volume subalit inaasahang darami ang mga ito mamayang gabi hanggang sa Biyernes.

Ayon kay Terminal Manager Arnel Santos, tumaas ang passenger demand noong Biyernes at Sabado sa mga biyaheng Baguio at Cagayan.

Upang ma-accommodate ang dami ng pasaherong papuntang Baguio, sa halip na kada oras ang alis ng bus sa terminal ay ginawa nilang kada 15 minutes.

About The Author