dzme1530.ph

RUSSIAN MILITARY PLANE, NAG-CRASH SA SIBERIA; LAHAT NG 19 NA SAKAY, PATAY

Loading

Isang Russian military plane ang nag-crash sa Siberia, na ikinasawi ng lahat ng 19 na sakay nito, ayon sa Defense Ministry ng bansa.
 
Sinabi ng ministry na bumagsak ang An-12 aircraft sa “scheduled flight” sa isang “uninhabited area” sa Kemerovo Region.
 
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, posibleng technical malfunction ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
 
Ang An-12 ay ginagamit ng Russian military para mag-transport ng mga armas at personnel, at para sa search and rescue operations.

About The Author