![]()
Pinutol ng Pistons ang 12-game winning streak ng Spurs, sa score na 105-93, sa mismong court ng San Antonio, kanina.
Sinilat ng bumisitang Detroit Pistons ang San Antonio Spurs sa pangunguna ni Cade Cunningham na umiskor ng 27 points.
Nagdagdag si Daniss Jenkins ng 25 points habang nagtala si Ausar Thompson ng 14 points, 12 assists, at nine rebounds.
Pinangunahan naman ni Victor Wembanyama ang San Antonio sa pamamagitan ng 25 points at 18 rebounds habang nag-ambag si Dylan Harper ng 20 points.
