dzme1530.ph

CERTIFICATION SA MGA IBINEBENTANG PAROL, PINAG-AARALAN NG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

Pinagaaralan ng Department of Trade and Industry ang pagpapatupad ng standardization at certification sa mga ibinebentang parol.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, aalamin nila kung may umiiral nang International Standards na maaari ring gamitin sa bansa.
Samantala, pinayuhan naman ng DTI ang publiko na bilhin lamang ang christmas lights na may Philippine Standard o PS mark at Import Commodity Clearance o ICC sticker.
Ipinaalala ni Castelo na ang Christmas Lights na walang PS mark o ICC sticker ay hindi nakalusot o hindi dumaan sa certification process, at hindi masisiguro ang kaligtasan nito.

About The Author