![]()
Bukas ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa findings ng National Police Commission o NAPOLCOM hinggil sa kakulangan sa police responses sa ilang protesta sa gitna ng ASEAN Summit.
Sinabi ni NCRPO Chief, Police Brig. Gen. Christopher Abrahano, welcome sa kanila ang mga kritisismo kasabay ng pagtiyak na handa nilang sagutin ang anumang pananagutan.
Una nang inihayag ng NAPOLCOM na may mga red flags sa police operations sa gitna ng mga protesta.
Ipinaliwanag ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Calinisan na may mga video footages na nagpapakita ng extremely physical events kung saan anya, mapapaisip ang sinumang makakapanood kung tama pa ba ang ginagawa ng mga pulis.
