![]()
Magde-deploy ang South Korea ng libo-libong karagdagang tauhan upang maiwasan ang pandaraya sa kanilang college entrance exam sites ngayong linggo at posibleng maglabas ng mas mabigat na parusa.
Ginawa ni Prime Minister Han Seong-sook ang anunsyo matapos umamin ang isang indibidwal na nandaya ito sa National Tax Account Exam gamit ang artificial intelligence tools.
Ang naturang pag-amin ay nagdulot ng panic bago ang pagdaraos ng college test na kilala sa tawag na “Suneung.”
Sinabi ni Han na bilang bahagi ng kanilang hakbang, isang emergency alert ang ipapadala sa examinees bago ang pagsusulit.
Ang mga salamin ng mga estudyante ay susuriin ng supervisors upang matiyak na hindi ito smart devices, at pinaiiwas silang magsuot ng damit na mayroong butones.
Ang mahuhuling nandadaya ay maaaring ma-ban sa pagkuha ng Suneung sa loob ng sampung taon.
