![]()
Umakyat sa ₱21.27 per kilo ang farm gate price ng dry palay noong Oktubre, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito ng halos 34% kumpara sa farm gate price na ₱15.89 per kilo noong October 2025.
Gayundin kung ikukumpara sa ₱20.84 per kilo noong Setyembre ng nakaraang taon.
Sa lahat ng rehiyon, ang CALABARZON ang nakapagtala ng highest year-on-year increase sa farm gate price na halos 58% na mula sa ₱12.26 per kilo noong October 2025 ay lumobo sa ₱19.35 noong October 2026.
Sumunod ang Negros Island Region na mayroong 47% increase, na mula ₱14.63 per kilo ay umakyat sa ₱21.51 per kilo.
