dzme1530.ph

TEKNOLOHIYA AT INOBASYON, SENTRO NG KONTRIBUSYON NG DALAWA SA MGA OUTSTANDING FILIPINO AWARDEES NG METROBANK FOUNDATION

Loading

Teknolohiya at inobasyon sumentro ang kontribusyon ng dalawa sa Outstanding Filipino Awardee ng Metrobank Foundation Incorporated ngayong taon.
 
Kabilang sa mga awardees ay sina Dra. Cecilia Bucayong para sa sektor ng edukasyon at si Police Lt. Col. Robert Mansueto para naman sa hanay ng mga police officers.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi nina Bucayong at Mansueto na binigyang-pagkilala ng Metrobank Foundation ang kanilang naging kontribusyon sa kanilang mga sektor na nakasentro sa paggamit ng teknolohiya upang mapabilis, mapa-gaan subalit accurate ang kanilang mga trabaho.
 
Ang imbensyon ni Bucayong na 3-D Instructional Apparatus for Vector Operations ay technology tool upang mapadali ang pag-aaral at pagtuturo ng physics.
 
Dine-develop naman ni Mansueto ang isang Traffic Information and Monitoring System, at Barangay E-Blotter System para mas mabilis ang monitoring sa lahat ng sasakyan at mga lugar.

About The Author