dzme1530.ph

PALASYO, NILINAW NA HINDI LAMANG US ANG MAGSISILBING SOURCE NG PAGKAIN AT ENERHIYA NG PILIPINAS

Loading

Pinag-aaralan ng Pilipinas ang America bilang alternative supplier at hindi bilang nag-iisang source ng food at energy requirements, gaya ng unang ibinida ni US President Donald Trump.
 
Pahayag ito ng Malacañang sa gitna ng mga pangamba na magkaroon ng posibleng supply disruptions at pagsirit ng mga presyo.
 
Sa video message, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na tinitingnan ng Manila ang Washington bilang isa sa potential sources ng agricultural at energy products upang palakasin ang food at energy security ng bansa, lalo’t naghahanda ang Pilipinas sa epekto ng very strong El Niño.
 
Ginawa ni Castro ang pahayag matapos ianunsyo ni Trump na 100% na kukunin ng Pilipinas sa US ang energy at agricultural needs ng bansa.
 
Kasabay ito ng babala ng US President na posibleng maharap sa problema ang Pilipinas kapag nabigong tuparin ang commitment.

About The Author