dzme1530.ph

ALEX EALA AT FELIX AUGER-ALIASSIME, SASABAK SA MIXED DOUBLES NG US OPEN

Loading

Excited si World No. 4 Felix Auger-Aliassime ng Canada sa team-up nila ni Filipinas tennis ace Alex Eala sa US Open mixed doubles tournament.
 
Kabilang ang pares sa wildcards sa main draw, na itinakda sa Aug. 25 at 26 sa New York.
 
Itinuturing ito ni Auger-Aliassime na magandang oportunidad dahil hindi siya nakapaglaro noong nakaraang taon.
 
Aniya, iba ang pakiramdam ngayon dahil sa epekto ni Eala at sa fan base na sumusuporta sa kanila.
 
Sinabi ng Canadian player na pareho sila ng 21-year-old na Pinay ng agency, at miyembro ng kani-kanilang teams na tumulong para maisakatuparan ang partnership.

About The Author