dzme1530.ph

LIMANG ISTASYON NG MRT 3, ISASAILALIM SA REHABILITASYON

Loading

Isasailalim sa rehabilitasyon sa susunod na taon ang limang istasyon ng Metro Rail Transit o MRT-3.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, ire-rehabilitate sa 2027 ang North Avenue, GMA Kamuning, Araneta Center-Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue stations.

Kinumpirma rin ni Dizon na popondohan ang rehabilitasyon ng ₱150 million kada istasyon.

Inaasahang makumpleto ang rehabilitasyon bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

About The Author