![]()
Mahigit doble ang inirehistrong electric vehicles (EVs) sa Land Transportation Office (LTO) noong 2025, batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Lumobo ng 150.8% o sa 60,906 units ang EV registrations, katumbas ng 0.41% ng 14.8 million na total vehicle registrations noong nakaraang taon.
Umakyat ng 314.62% o sa 27,767 units ang battery EV registrations noong 2025, habang ang hybrid EV registrations ay tumaas ng 88.4% o sa 33,139 units.
Naitala ang registered battery-powered cars sa 3,194 units habang ang registered hybrid cars ay nasa 4,603 units.
