dzme1530.ph

DEPED, MAGSASAGAWA NG NATIONWIDE ACTIVE-THREAT DRILL SA AUGUST 25

Loading

Magsasagawa ang Department of Education ng nationwide active-threat drill sa mga paaralan, sa Martes, August 25.
 
Sa gitna ito ng mga alalahanin sa school safety dahil sa magkakasunod na shooting incidents sa mga paaralan sa Tacloban City at Zamboanga City.
 
Sa memorandum na inilabas ng DepEd, inatasan ang mga regional offices na tukuyin ang mga paaralan kung saan isasagawa ang simultaneous drill.
 
Bibigyan-prayoridad sa aktibidad ang kaligtasan at psychological well-being ng mga mag-aaral, gayundin ang mga teaching at non-teaching personnel.
 
Pinatitiyak din na ang simulation activities ay naaakma sa edad, trauma-informed, at nakapokus sa kahandaan, koordinasyon, at mga hakbang na dapat isagawa, kasama na ang post-incident recovery.
 
Hinihimok din ng DepEd ang iba pang public at private elementary at secondary schools sa bansa na magsagawa ng kahalintulad na drills.

About The Author