dzme1530.ph

PANIBAGONG ROLLBACK SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, NAMUMURO SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Namumuro na naman ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya, posibleng mabawasan ng ₱2.35 hanggang ₱2.55 ang kada litro ng diesel.

Maaari namang mabawasan ng ₱2 hanggang ₱2.15 ang kada litro ng gasolina.

Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagdating ng mga suplay ng produktong petrolyo sa kabila ng tensyon sa Middle East.

About The Author