![]()
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang isang subsidy system na saklaw ang lahat ng basic private education institutions, na naglalayong paluwagin ang mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Sa ilalim ng Republic Act 12327 o the Basic Education Voucher Assistance Act, palalawigin ang voucher assistance ng pamahalaan para sa mga kwalipikadong mag-aaral mula sa middle-income households pababa.
Mas mataas na halaga ng voucher at top priority ang ibibigay sa mga learner na mula sa poor at low-income families.
Nakatakdang ipatupad ang pinalawak na voucher program para sa kindergarten at elementary levels sa School Year 2027-2028, depende sa availability ng pondo.
