![]()
Pinaalalahanan ng Philippine National Police ang mga video game enthusiasts na huwag gayahin ang criminal activities at karahasan na makikita sa video games kasunod ng pagre-release ng highly anticipated game na Grand Theft Auto o GTA 6.
Ipinaalala ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang kahalagahan ng paghihiwalay ng digital entertainment sa real-world conduct.
Iginiit ni Nartatez na hindi dapat maging dahilan ang entertainment upang maging malabo ang pag-unawa ng lahat sa tama at mali.
Binigyang-diin ng heneral na ang posibleng pinapayagan sa virtual world ay maaaring walang puwang sa tunay na mundo at labag sa batas, bukod sa naglalagay sa panganib sa lahat.
Ipinaalala pa ng PNP na anumang acts of violence ay may katapat na parusa.
