dzme1530.ph

ZALDY CO, INARESTO AT NAKA-DETAIN SA PRAGUE, AYON KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kagabi, na naaresto na si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
 
Sinabi ng Pangulo na naka-detain ngayon sa Prague si Co matapos tumawid sa Czech Republic nang walang proper documentation, at nasa kustodiya ito ng Czech authorities.
 
Idinagdag ni Marcos na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan ng Pilipinas sa Czech government upang matiyak na lahat ng legal na proseso ay masusunod, at para maisaayos ang pagbabalik ng dating kongresista sa bansa, sa lalong madaling panahon.
 
Tiniyak din ni Pangulong Marcos na ipababatid nila sa publiko ang anumang development sa kaso ng dating mambabatas.
 
Una nang idineklara ng Sandiganbayan bilang “fugitive from justice,” si Co na pangunahing personalidad sa multi-billion peso flood control scandal, matapos kasuhan ng graft and malversation bunsod ng umano’y maanomalyang road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.

About The Author