![]()
Umaasa ang Malacañang na hindi magiging matindi ang epekto ng Super Typhoon Rosal at makakatulong ang ulan na dala nito upang maibsan ang epekto ng Super El Niño sa bansa.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na maaaring samantalahin ng mga residente sa mga lugar na nakararanas ng tagtuyot ang pag-ulan upang makaipon ng tubig.
Kasabay nito, nananawagan naman si Castro sa lahat na ipagdasal din na huwag masyadong malakas ang mga pag-ulan upang hindi magdulot ng matinding pinsala.
Tiniyak din ng opisyal na nakahanda na ang mga ahensya ng gobyerno, partikular ang Department of Social Welfare and Development, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources at Department of Health, sa mga posibleng epekto ng bagyo.
