dzme1530.ph

PNP, NAKIKIPAG-UGNAYAN NA SA MGA AHENSYA AT INTERNATIONAL LAW ENFORCEMENT KAUGNAY NG PAG-ARESTO KAY ZALDY CO

Loading

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa iba pang ahensya ng pamahalaan at international counterparts upang i-verify ang detalye ng pagkakadakip kay dating Cong. Zaldy Co.
 
Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na handa silang magbigay ng kinakailangang tulong at suporta upang matiyak na masusunod ang lahat ng legal na proseso.
 
Kabilang na aniya rito ang koordinasyon para sa posibleng pagbabalik ng dating mambabatas sa bansa.
 
Samantala, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hinihintay pa nila ang report mula sa embahada.
 
Tiniyak naman ng DFA na agad silang magbibigay ng update kapag available na ang mga impormasyon.

About The Author