dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, MAKIKIPAGPULONG SA ILANG PULITIKO AT MGA INDIBIDWAL NA SUMUSUPORTA SA MGA NAKAKULONG NA PULITIKO

Loading

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na makikipagpulong siya sa ilang pulitiko at mga indibidwal na sumusuporta sa mga nakakulong na pulitiko sa pagbabalik niya sa bansa.
 
Sinabi ni VP Sara na plano niyang muling dalawin si Senador Rodante Marcoleta pag-uwi niya sa bansa.
 
Bukod kay Marcoleta, nakatakda ring kausapin ng Bise Presidente ang iba pang pulitiko at mga taong sumusuporta sa mga detained politicians.
 
Binigyang-diin ni VP Sara na siya ang isa sa mga unang bumisita kay Marcoleta nang ito ay makulong.
 
Hindi na naman pinangalanan ni Duterte kung sino pa ang iba niyang planong harapin at makameeting.

About The Author