dzme1530.ph

MALALAKING WITHDRAWAL NG OFFICE OF THE VICE PRESIDENT, TINAWAG NA UNSUAL

Loading

INAMIN ni dating LandBank Shaw Boulevard Branch manager Violeta Constantino na maituturing niyang unusual ang malalaking withdrawal ng Office of the Vice President (OVP).
 
Sa ika-10 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, sinabi ni Constantino na kabuuang P500 million ang na-withdraw sa account ng OVP sa pamamagitan ng encashment ng apat na tseke.
 
Ang mga tseke, aniya, ay ine-encash ng special disbursing officer ng OVP na si Gina Acosta, at ang pera ay ibinibigay sa pamamagitan ng mga pakete o packs at inilalagay sa mga gym bag.
 
Sa pagtatanong ni Senator Judge Erwin Tulfo, sinabi ni Constantino na bagama’t unusual para sa kanila ang malalaking encashment, hindi na sila nagtanong dahil may advice na mula sa tanggapan na dumaan na ito sa proseso.
 
Inamin din ni Constantino na sa kanyang 32 taong career, ito ang unang pagkakataon na nakaranas siya ng ganoon kalaking encashment.
 
Samantala, sa manifestation ni Senator Judge Alan Peter Cayetano, sinabi niyang bagama’t unusual ang sinasabing mga encashment, hindi naman ito nangangahulugan na illegal.
 
Kinuwestyon naman ni Senador Imee Marcos ang prosekusyon sa pagpili ng witness dahil ibang mga opisyal ng LandBank ang humarap noon sa Kamara.
 
Nilinaw naman ng prosekusyon na si Constantino ang direktang kausap ng OVP kaugnay sa encashment ng mga tseke.
 
Naghahanap naman si Senator Judge Panfilo “Ping” Lacson ng competent witness para sa paghawak ng confidential o intelligence fund, at umaasa siyang sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng testigo para rito.

About The Author