![]()
Hindi humingi si Leyte Rep. Martin Romualdez sa state witness na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ng listahan ng infrastructure projects kapalit ng kickbacks.
Ginawa ni Bernardo ang testimonya sa hearing sa bail petition ni Romualdez, kaugnay sa ₱7.4 billion na plunder case na isinampa laban sa kanya.
Sa cross-examination na isinagawa ng abogado ni Romualdez, kinumpirma ng dating DPWH official sa kanyang anim na affidavits at dalawang judicial affidavits na hindi niya binanggit na humiling sa kanya ng mga proyekto o kickbacks ang former House Speaker.
Sinabi ni Bernardo na nabanggit niya si Romualdez sa kanyang affidavits dahil nakita niya ito sa birthday celebration ni noo’y DPWH Secretary Mark Villar noong 2016.
