dzme1530.ph

KRIS AQUINO, BUKAS SA PAGPASOK SA PULITIKA KUNG SIYA AY ‘HEALTHY’

Loading

 
Inamin ni Kris Aquino na maaaring ikonsidera niya ang pagpasok sa public service kung siya ay malusog, partikular sa Department of Health (DOH), kung saan umaasa siya na magiging mas abot-kaya at accessible ang mga gamot.
 
Ginawa ng Queen of All Media ang pahayag sa kanyang television reunion kasama ang close friend at long-time co-host na si Boy Abunda.
 
Nang tanungin ni Boy kung sakaling mabibigyan ng tsansa at, sa awa ng Diyos, ay maging healthy ang kaibigan, papasukin ba nito ang politika.
 
Diretsong “yes” ang sagot ni Kris, bagaman binigyang-diin niya na hindi siya “healthy.”
 
Ibinahagi ng actress-TV host na politika ang landas na akala ng kanyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino Jr. na kanyang tatahakin.
 
Gayunman, idinagdag ni Kris na kailangan ng milagro at hindi ibibigay ang lahat. 

About The Author