dzme1530.ph

MECHANIZED DEEP WELLS UPANG MATIYAK ANG SUPPLY NG TUBIG SA MARIKINA SA GITNA NG EL NIÑO, ININSPEKSYON

Loading

Ininspeksyon ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang mga mechanized deep well sa lungsod bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng tumagal na tagtuyot.

Tiniyak din ni Teodoro na patuloy ang ugnayan ng pamahalaang lungsod at ng Manila Water para sa mga paghahanda sa El Niño.

Iginiit ng alkalde na kailangan ng sama-samang pagkilos ng gobyerno, pribadong sektor, at mga residente upang mapaghandaan ang posibleng epekto ng El Niño, partikular sa pagtitipid at responsableng paggamit ng tubig.

Nakikipag-ugnayan din ang lokal na pamahalaan sa Department of Education (DepEd) Marikina upang bumuo ng protocol sa mga paaralan sa panahon ng matinding init at makatulong sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Tiniyak ni Teodoro na magpapatupad sila ng karagdagang hakbangin at paghahanda, at magbibigay ng napapanahong updates upang masiguro na may sapat na impormasyon ang mga residente.

About The Author