![]()
Wala pang inilalabas ang PNP na wanted poster ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, sa dahilang hindi pa ito kailangan sa ngayon.
Sa gitna ito ng mga pagsisikap ng mga awtoridad na tuntunin ang kinaroroonan at arestuhin ang puganteng mambabatas.
Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na alam naman ng lahat ang itsura ni dela Rosa, pati na ang alok na ₱50 million na reward para sa makapagbibigay ng lokasyon nito.
Tumanggi naman si Co na isiwalat ang mga detalye ng ginagawang manhunt, sa pagsasabing posibleng makompromiso ang police operations at malagay sa alanganin ang kanilang mga tauhan.
