dzme1530.ph

REPORMA SA MGA BUWIS NA NAGLALAYONG MAGPATAAS SA SAHOD NG MGA PINOY SA GITNA NG PAGHINA NG PISO, IGINIIT

Loading

NAIS ni Senador Bam Aquino na agad nang maipasa ng Senado ang mga panukalang reporma sa buwis na layung madagdagan ang kita ng mga Pilipino.
 
Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar at ang nagbabadyang matinding epekto ng Super El Niño na maaaring humantong sa mabagal na paglago ng ekonomiya at mas mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, pagkain, kuryente at maging ng petrolyo.
 
Partikular na isinusulong ni Aquino ang agarang pagsasabatas ng Senate Bill 267 na naglalayong itaas sa P480,000 ang taunang income tax exemption na isang malaking ginhawa para sa mga manggagawa at pamilya.
 
Ayon sa senador, katumbas ito ng buwanang living wage na P40,000 para sa isang pamilya na may apat o limang myembro.
 
Iginiit ni Aquino na dapat mas malaki ang matititra sa sweldo ng mga manggagawa upang sa gayon , may sapat silang pambili ng pagkainm bigas at iba pang pangunahing pangangailangan.
 
Bukod dito, isinusulong din ng mambabatas na agad maipasa ang Senate Bill 2047 na layong ibaba naman sa 10 percent mula sa kasalukuyang 12 percent ang VAT sa mga produkto at serbisyo at ang Senate Bill 266 na layong alisin ang VAT sa pagbebenta ng kuryente para maibaba ang singil sa kuryente.

About The Author