dzme1530.ph

VOLUNTARY PRICE FREEZE SA MGA PANGUNAHING BILIHIN, MANANATILI HANGGANG MAY 10

Loading

Mananatili ang voluntary price freeze sa mga pangunahing bilihin hanggang May 10.
 
Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry batay sa kasunduan sa mga manufacturers at retailers.
 
Ginawa ni DTI Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque ang anunsyo sa kanyang pagbisita sa isang grocery store sa Muntinlupa City.
 
Sinabi ng kalihim na nakatutulong sa pagpapanatili ng presyo ang mas mababang input costs.
 
Saklaw ng price freeze ang mga produktong itinuturing na basic necessities at prime commodities na regular na mino-monitor ng DTI.

About The Author