![]()
Ngayong kumpirmadong arestado na si former Cong. Zaldy Co, hinimok ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima ang Philippine gov’t na huwag nang magpatumpik-tumpik sa pagsusulong ng deportation nito.
Ayon sa senior deputy minority leader, kailangan nang harapin ni Co ang lahat ng kasong kinahaharap nito sa bansa.
Kailangan umanong panumpaan nito sa tamang forum ang lahat ng alegasyong binitawan nito.
Sa tamang forum lang umano dapat isiwalat nito ang lahat ng kanyang nalalaman sa flood control anomalies, maging ang mga ebidensya na hawak o alam nito.
Nanindigan si de Lima sa sabay-sabay na imbestigasyon sa lahat ng alegasyong kinasasangkutan ni Co.
Tulad aniya ng impeachment, hindi dapat itengga ang paghahanap ng katotohanan at mapanagot ang lahat ng kurakot.
