dzme1530.ph

MGA MIYEMBRO NG MANIBELA, NAGMARTSA PATUNGONG MENDIOLA SA IKATLONG ARAW NG TRANSPORT STRIKE

Loading

Nagmartsa mula sa Welcome Rotonda sa Quezon City hanggang sa Mendiola sa Maynila ang mga miyembro ng transport group MANIBELA para sa final day ng kanilang tatlong araw na transport strike.
 
Sinabi ni MANIBELA Chairperson Mar Valbuena na patuloy nilang ipinapanawagan ang suspensyon ng excise tax at value added tax sa produktong petrolyo bukod pa sa rollback sa presyo nito.
 
Kinuwestyon din ni Valbuena ang mga ipinatutupad na fuel assistance programs ng gobyerno na anya’y hindi sapat para matulungan ang mga apektadong drivers.
 
Ipinunto pa niya na hindi pa rin tuluyang naipapatupad ang sinasabing fuel discounts sa mga PUV dahil iilan pa lamang na gas stations ang may alam sa programa.

About The Author