![]()
Dapat seryosohin ng Philippine National Police ang sinasabing natatanggap na banta sa buhay ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian sa pagbibigay-diin na mahalagang matiyak ng pulisya ang kaligtasan ng lahat.
Hinikayat ng senador ang mga awtoridad na imbestigahan kung saan nagmumula ang sinasabing pagbabanta.
Binigyang-diin niya na hindi maganda ang mga ganitong impormasyon at idinagdag na dapat tiyakin ng pulisya ang proteksyon hindi lamang sa Bise Presidente kundi sa lahat ng mamamayang Pilipino.
Hindi naman anya nila kontrolado ang proseso ng mga hukuman kaugnay sa kasong kriminal na kinakaharap ni VP Sara.
Ito ay makaraang kwestiyunin ng ilan ang timing ng pagpapalabas ng warrant of arrest ng Quezon City RTC sa kasong grave threats ng Bise Presidente gayung nagpapatuloy ang impeachment trial laban sa kanya.
