dzme1530.ph

DOUBLE JEOPARDY, HINDI APPLICABLE SA IMPEACHMENT TRIAL

Loading

Nilinaw ni Impeachment Court spokesman Atty. Reginald Tongol na walang aplikasyon ang prinsipyo ng double jeopardy sa impeachment trial dahil hiwalay ito sa mga kasong kriminal na dinidinig ng mga regular na hukuman.

Ayon kay Tongol, ang double jeopardy ay umiiral lamang sa magkakasunod na criminal proceedings.

Ang Impeachment Court anya ay isang sui generis o natatanging constitutional tribunal na may tungkuling tukuyin ang political accountability at pagiging karapat-dapat ng isang opisyal na manatili sa puwesto, at hindi ang pagpataw ng parusang kriminal.

Binanggit din niya ang Article 11, Section 3, Paragraph 7 ng 1987 Constitution at ang desisyon ng Korte Suprema sa Estrada vs. Desierto, na nagsasabing maaaring magpatuloy nang hiwalay ang criminal prosecution at impeachment proceedings.

Dahil dito, iginiit ni Tongol na ang paglalabas ng warrant of arrest at ang pagpiyansa sa regular na hukuman kaugnay ng kasong grave threats ay walang legal na implikasyon sa nagpapatuloy na impeachment trial.

Nananatili anyang nakatuon ang mga senator-judges sa kanilang eksklusibong mandato sa ilalim ng Konstitusyon at isasagawa ang paglilitis nang may kalayaan, pagiging patas, at ganap na pagiging walang kinikilingan.

About The Author