dzme1530.ph

BODY CAM FOOTAGE NANG ISILBI ANG ARREST WARRANT NI VP SARA, ILALABAS NG DILG

Loading

Maglalabas ang Department of the Interior and Local Government ng body cam footage nang isinilbi ang warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte, pati na ang paghain nito ng piyansa.
 
Pahayag ito ni DILG Secretary Jonvic Remulla, upang ipakita na trinato ng may respeto ang Bise Presidente.
 
Binigyang-diin ni Remulla na tungkulin nilang protektahan si VP Sara na una nang nagsabi wala itong tiwala sa mga korte o sa mga pulis.
 
Sinabi pa ng Kalihim na walang dahilan ang Pangalawang Pangulo para mabalisa.
 
Aniya, ang tiwala ay pinagsisikapan, at sa paglipas ng panahon, kailangang maramdaman ni Duterte na kailanman ay hindi nila ito nais mapahamak.
 
Idinagdag ni Remulla na ang PNP ngayon ay hindi sangkot sa extrajudicial killings (EJK) dahil natigil na ang naturang polisiya noong 2022.

About The Author