dzme1530.ph

TUNAY NA LAYUNIN NG IMPEACHMENT PROCESS, DI DAPAT MAKALIMUTAN SA GITNA NG POSIBLENG DRAMA SA TRIAL

Loading

Hindi dapat mawala sa isip ng publiko, gayundin ng lahat ng sangkot sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ang tunay na layunin ng proseso at hindi ito dapat mahaluan ng personal na interes ng ilan.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, legal counsel for the government prosecutors, na bagama’t maaaring magkaroon ng drama sa trial, mahalaga pa ring matiyak na mailalabas ang katotohanan at mapanagot ang sinumang may pananagutan.
 
Ayon kay Kapunan, inaasahan nilang magiging madramang pagdinig ngayong araw dahil sa posibleng paghaharap nina NBI Director Melvin Matibag at Senator-Judge Alan Peter Cayetano.
 
Idinagdag niya na ngayong araw ay inaasahang maririnig ang buong kuwento ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

About The Author