dzme1530.ph

LIMANG ORAS NA IMPEACHMENT TRIAL SA UMAGA, IKINUKUNSIDERA NG SENADO SA PAGSISIMULA NG SESYON

Loading

Ikinukunsidera ng Senado ang paglalaan ng limang oras sa umaga para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa sandaling magsimula ang sesyon sa susunod na linggo.
 
Ayon kay Senador Erwin Tulfo, natalakay sa kanilang caucus na posibleng magsagawa sila ng impeachment proceedings mula Lunes hanggang Miyerkules, simula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
 
Susundan ito ng regular na Senate sessions mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi sa parehong mga araw.
 
Ilalaan naman umano ang Huwebes at Biyernes para sa committee hearings.
 
Sinabi ni Tulfo na sa kanilang caucus ay tila payag naman ang mga senador sa naturang iskedyul.

About The Author