dzme1530.ph

TRUST AT PERFORMANCE RATINGS NINA PANGULONG MARCOS AT VP DUTERTE, HINDI NA NAGKAKALAYO

Loading

Hindi na nagkakalayo ang trust at performance ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
 
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Dr. Guido David, OCTA Research fellow, na batay sa kanilang first quarter Tugon ng Masa survey, tumaas ang trust rating ng Pangulo sa 54 percent mula sa 48 percent noong December.
 
Tumaas din aniya ang performance rating ng Pangulo sa 55 percent mula sa 51 percent.
 
Sa kabilang dako, bagama’t tumaas sa 55 percent mula sa 53 percent ang trust rating ni VP Sara, bumaba naman sa 50 percent mula sa 54 percent ang kanyang performance rating.
 
Ang survey ay isinagawa noong March 2026 sa 1,200 respondents.
 
Inihayag ni David na kapansin-pansin pa rin ang solid supporters ni VP Sara sa Visayas at Mindanao subalit ang mga tagasuporta naman ng Pangulo ay mga bukas ang isip.

About The Author