dzme1530.ph

DEPT. OF TOURISM, NAGPAABOT NG PAGBATI SA BINI AT KAY SOPHIA LAFORTEZA NG KATSEYE SA MAKASAYSAYANG PERFORMANCES SA COACHELLA

Loading

Nagpaabot ng pagbati ang Department of Tourism (DOT) sa P-pop group na BINI at kay Sophia Laforteza ng Katseye dahil sa pagpapakita ng talento ng mga Pilipino sa Coachella na isa sa most influential music festival sa mundo.
 
Sa Facebook, tinukoy ng DOT ang milestone ng BINI bilang kauna-unahang P-pop group na nag-perform sa desert festival.
 
Sinabi ng ahensya na bilang first Filipino act na nagtanghal sa Coachella, nakuha ng BINI ang atensyon ng buong mundo sa kanilang electrifying 45-minute, 10-song set.
 
Idinagdag ng DOT na kasama ang appearance ni Sophia Laforteza, hindi lamang world-class talent ang naipakita, kundi pati vibrant spirit, creativity, at identity ng mga Pilipino.

About The Author