dzme1530.ph

PAGSUPORTA NG MAYORYA NG MGA TAGA-MINDANAO SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS LABAN KAY VP SARA, MAGANDANG PANGITAIN, AYON SA ISANG KONGRESISTA

Loading

Magandang pangitain ang 61% ng mga taga-Mindanao ay sumusuporta na sumailalim sa impeachment trial si VP Sara Duterte.
 
Tinukoy ni House Deputy Speaker Paolo Ortega ang March 19 to 25 face-to-face survey ng OCTA Research Tugon ng Masa survey sa 1,200 respondents na lumitaw ang 69% na pabor.
 
Sa major geographical areas, ang Mindanao ay may 61% na pabor sa impeachment, 38% ang tutol at may 1% ang undecided.
 
Malinaw ito ayon kay Ortega na kahit sa Mindanao na balwarte ng mga Duterte ay nagsasabi na ituloy ang trial.
 
Malinaw na handa silang pakinggan ang katotohanan at hayaang umandar ang proseso.
 
Sa socioeconomic groups, 71% mula sa Class ABC ay supportive sa impeachment, 72% sa Class D at 54% ng Class E.
 
Sa awareness level, 87% nationwide ay alam ang impeachment, at sa Mindanao higit na mataas ang awareness dahil 91% ito.

About The Author