dzme1530.ph

TESTIGO NG DEFENSE PANEL NI VP SARA DUTERTE, GINISA NG PROSEKUSYON SA KANYANG POLITICAL VIEWS

Loading

GINISA ng Defense Panel sa impeachment hearing si Atty. Anel Martin Antero kaugnay sa naging gastos ni Atty. Mans Carpio sa kanyang credit card sa Japan na umaabot sa ₱205,007.29.
 
Sinabi ni Antero na 11 silang magkakaibigan na bumiyahe sa Tokyo, Japan at sama-sama silang kumain sa Inakaya restaurant at nagbayad gamit ang credit card ni Carpio pero binayaran din nila ang asawa ng Bise Presidente.
 
Sa cross-examination, kinuwestyon ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng Panel of Prosecutors, ang political views ni Antero at ipinakita ang iba’t ibang social media post nito kabilang ang pagtawag niya sa impeachment complaint bilang flimsy o mahina.
 
Inilutang din ni Ligutan ang pagtanggap umano ni Antero ng ₱580,000 mula kay Carpio noong July 2020 batay sa covered transaction report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na hindi naman maalala ng testigo.
 
Kinuwestyon din ni Ligutan si Antero kung mayroon siyang katunayan o larawan ng kanilang grupo noong sila ay nasa Japan at kung may dokumento na magpapatunay na nabayaran nila kay Atty. Carpio ang credit card bill.
 
Sinabi ni Ligutan na nais lamang niyang maipakita kung sumusunod sa pamilya ng Bise Presidente ang probisyon sa Konstitusyon na ang mga opisyal ng gobyerno kasama ang kanilang pamilya ay dapat na mamuhay nang simple.

About The Author