![]()
Binarahan ng daan-daang transport workers sa Chile ang mga kalsada at highways sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang protesta sa mataas na presyo ng petrolyo.
Naglunsad ng kilos-protesta ang mga driver ng mga bus at mga truck sa pamamagitan ng convoys para mahinto ang trapiko sa kahabaan ng major routes.
Nagde-demand ang transport workers ng relief mula sa sumisirit na presyo ng diesel bunsod ng giyera sa Iran.
Ang naturang protesta ay inorganisa ng Fuerza del Norte Trade Union na kumakatawan sa 80% ng lorry drivers sa Chile at ng No+Tag Civic Protest Movement.
