dzme1530.ph

POSIBLENG CONFLICT OF INTEREST SA PAGBABAYAD NG GENCORP KAY VP SARA DUTERTE, INILUTANG

Loading

INILUTANG ni Senator-Judge Win Gatchalian ang posibleng conflict of interest sa pagbabayad ng GenCorp Industries Inc. ng return of investment kay Vice President Sara Duterte habang mayroon itong mga kontrata sa supply ng pagkain sa pamahalaang lungsod ng Davao.
 
Sa day 42 ng impeachment trial kay VP Sara, tinanong ni Gatchalian si GenCorp Corporate Counsel Atty. Suzette Balucanag-Punay kung hindi ba maituturing na conflict of interest ang pagbabayad ng kumpanya sa investment ng Bise Presidente habang nagbebenta rin ito ng pagkain sa Davao City government.
 
Binigyang-diin ni Gatchalian na nakatanggap si VP Sara ng P2.1-million piso bilang returns mula sa paunang P46,000 na investment sa kumpanya.
 
Sa kasalukuyan, mayroon ding 19 food supply contracts ang GenCorp sa pamahalaang lungsod ng Davao na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
 
Gayunman, iginiit ni Balucanag-Punay na walang conflict of interest sa naturang transaksyon dahil hindi naman kasapi ng local government unit si VP Sara.
 

About The Author