![]()
Bumaba ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. habang halos hindi naman nagbago ang ratings ni Vice President Sara Duterte.
Batay ito sa pinakabagong survey ng OCTA Research Group na Tugon ng Masa nitong September.
Lumabas sa pinakahuling survey, umabot sa 45% ang trust rating ni Pangulong Marcos mula sa 49% noong July.
Tumaas naman sa 36% mula sa 32% ang distrust rating ng Pangulo habang nananatili sa 19% ang mga undecided.
Bumaba rin ang performance rating ng Pangulo sa 44% noong September mula sa 47% noong July habang tumaas sa 36% ang hindi nasisiyahan.
Naniniwala naman si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na paalala ang survey, subalit hindi nito ipinapakita ang tunay na ginagawa ng Pangulo.
