![]()
Bibisita sa Pilipinas si Chinese Premier Li Qiang para dumalo sa ASEAN Summit, ayon sa Foreign Ministry ng China.
Sinabi ni Ministry Spokesman Guo Jiakun na sa pamamagitan ng meeting, umaasa ang China na mapagtitibay ang solidarity at mutual trust sa ASEAN member states.
Aniya, layunin nilang lumalim pa ang kolaborasyon sa iba’t ibang larangan, gaya ng artificial intelligence, digital economy, energy security, connectivity, at poverty reduction and development.
Kabilang sa mga world leaders na nagkumpirmang darating sa Pilipinas para sa Nov. 15-18 ASEAN Summit and related meetings ay sina US President Donald Trump, Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva at Canadian Prime Minister Mark Carney.
