dzme1530.ph

DAANG-DAANG RALIYISTA, NANAWAGAN NG AGARANG CONVICTION KAY VP SARA DUTERTE SA IMPEACHMENT CASE

Loading

Daang-daang raliyista ang nagtipon-tipon sa labas ng Senate compound kasabay ng Day 43 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Ipinanawagan ng mga nagkilos-protesta na agad nang igawad ang conviction sa Bise Presidente at tiyaking mawawala na sa Philippine politics ang pamilya Duterte.
 
Sumayaw at kumanta rin ang mga raliyista kasabay ng pagsigaw ng “Sara, Sara, magnanakaw.”
 
Bitbit din nila ang mga makukulay na banners na nagsasaad ng “Convict Sara.”
 
Mahigpit namang nagbabantay ang mga pulis sa paligid ng mga nagra-rally at naglagay na rin ng barikada hanggang sa PICC Film Center.

About The Author