dzme1530.ph

PAGBAWI NG DEFENSE TEAM SA SUBPOENA PARA SA PAGTESTIGO NG ILANG BANK EXECUTIVES, HINDI NA IKINAGULAT NG PROSEKUSYON

Loading

Hindi na ikinagulat ng prosekusyon ang pagbawi ng defense team sa subpoena para sana sa pagtestigo ng ilang bank executives.

Sa manifestation ni Atty. Michael Poa bago mag-adjourn ang Day 42 ng impeachment trial, ipinaalam nito sa korte na hindi na nila itutuloy ang pagtestigo ng mga opisyal ng bangko maliban sa BPI.

Ayon kay House impeachment adviser at spokesperson Robert Ace Barbers, gaya rin ng unang apat na testigo ng defense, hindi kayang sirain ng sinumang witness ang mga iniharap nilang ebidensya.

Aniya, galing din mismo sa official records at testimonya ng mga bank officials ang kanilang ebidensya.

Ayon naman kay Atty. Jay Tolosa, lumabas ang mga dokumento sa bisa ng subpoena na inisyu ng impeachment court sa mga bangko, kaya imposibleng i-dispute ang mga ito.

 

About The Author