![]()
Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na iniurong nila sa Nov. 19 ang deadlines sa filing ng tax returns at tax payments sa Metro Manila na due sa Nov. 16 hanggang 18.
Una nang idineklara bilang special non-working days ang nabanggit na mga petsa kaugnay sa hosting ng bansa sa ASEAN Summit and Related Summits.
Samantala, inaprubahan din ng BIR ang nationwide extension bukas, Nov. 13, para sa taxpayers na naapektuhan ng scheduled system maintenance kung saan pansamantalang shut down ang eBIR Forms Offline Package.
Saklaw ng adjustments ang specified returns at payments na originally due noong Nov. 10, pati na ang mga piling transaksyon na ang deadlines ay sa pagitan ng Nov. 10 at 12.