dzme1530.ph

PAGSASAPINAL NG CODE OF CONDUCT SA SOUTH CHINA SEA, TARGET MAKAMIT NI PBBM SA HOSTING SA ASEAN SUMMIT

Loading

Kinumpirma ng Malacañang na isa sa mga nais ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na mapagtagumpayan sa pagiging chairman ng ASEAN Summit ang pagsasapinal ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang COC ang isa sa mga nais ng Pangulo na maisapanila dahil matagal na itong nakasalang sa mga nagdaang ASEAN Summits pero nananatiling nakabitin.
 
Wala anyang ibang hangad ang Pangulo kundi ang magkaroon ng kapayapaan sa Asya at magandang relasyon sa lahat ng bansa.
 
Mahalaga anya ang kasunduan para sa kapayapaan upang magtuloy-tuloy ang pagsulong nang walang iniintinding mga balakid o hindi pagkakaunawaan.

About The Author