dzme1530.ph

TANGKANG PAGPAPABAGSAK SA DUBAI-TEL AVIV FLIGHT, NAPIGILAN NG MGA PASAHERO; CO-PILOT, SINAKSAK ANG PILOTO NG EROPLANO HABANG NASA HIMPAPAWID

Loading

Nakalapag ng ligtas sa Israel ang mga pasahero ng flydubai flight matapos mapigilan ng customers at crew ang pagtatangka ng co-pilot na pabagsakin ang eroplano.
 
Ayon sa Israeli officials, sinaksak ng co-pilot ang piloto dahilan para bumulusok ang aircraft ng halos 14,000 feet sa loob lamang ng wala pang tatlumpung segundo.
 
Pinasok ng mga pasahero at crew ang cockpit para kaladkarin palabas ang co-pilot at palitan ng pangalawang pares ng flydubai pilots na lulan ng flight.
 
Ligtas na lumapag ang jet sa Tabuk, Saudi Arabia.
 
Makalipas ang sampung oras, dumating ang mga pasahero sa Ben Gurion Airport sa Tel Aviv lulan ng flydubai replacement aircraft.
 
Sinabi ng Israeli officials na iniimbestigahan pa ang motibo ng attacker na lulan ng flight FZ1073 mula Dubai hanggang Tel Aviv.

About The Author