dzme1530.ph

PEZA AT ABOITIZ, NAG-RENEW NG PARTNERSHIP UPANG MAPADALI ANG REGISTRATION SA ECOZONE

Loading

Pinalawak ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Aboitiz Economic Estates ang investor-support initiative.
 
Layunin nito na tulungan ang mga negosyante na mapadali ang kanilang registration at iba pang requirements sa pagtatayo ng kanilang operasyon sa economic zones.
 
Sa ilalim ng renewed Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan kahapon, isusulong ng dalawang partido ang susunod na phase ng kanilang Ease-Biz initiative.
 
Nilagdaan ang MOU nina PEZA Director General Tereso Panga at Aboitiz InfraCapital Economic Estates President Rafael Fernandez de Mesa, sa isang seremonya sa Pasay City.

About The Author