![]()
Ipinanukala ng pamahalaan na itaas ang calamity fund sa ₱45.6 billion sa ilalim ng proposed ₱7.2-trillion National Expenditure Program (NEP) para sa 2027.
Itinaas ang calamity fund mula sa inisyal na ₱39.8 billion para matulungan ang gobyerno sa paghahanda at pagbangon mula sa mga epekto ng El Niño.
Sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan na mahigit 80 provinces at cities ang inaasahang maaapektuhan ng El Niño, batay sa outlook ng PAGASA.
Hinikayat ni Libanan ang government agencies na tumulong para agarang tugunan ang mga epekto ng naturang phenomenon.
Inaasahang iiral ang El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027 at maitatala ang record-breaking na init, ayon sa state weather bureau.
